Bible-Server.org  
 
 
Praise the Lord, all ye nations      
Psalms 117:1       
 
Hanapin        Katulad
 AT Maghanap sa

Home Page
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Mga Hukom
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga-Roma
1 Mga Taga-Corinto
2 Mga Taga-Corinto
Mga Taga-Galacia
Mga Taga-Efeso
Mga Taga-Filipos
Mga Taga-Colosas
1 Mga Taga-Tesalonica
2 Mga Taga-Tesalonica
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
 
 

 
 
translate into
Zefanias Kapitulo2
 
1 Kayo'y magpipisan, oo, magpipisan, Oh bansang walang kahihiyan;
 
2 Bago ang pasiya'y lumabas, bago dumaang parang dayami ang kaarawan, bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon, bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon.
 
3 Hanapin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan:kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon.
 
4 Sapagka't ang Gaza ay pababayaan, at ang Ascalon ay sa kasiraan; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat, at ang Ecron ay mabubunot.
 
5 Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng dagat, bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan.
 
6 At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan, na may mga dampa para sa mga pastor, at mga kulungan para sa mga kawan.
 
7 At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda; sila'y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi; sapagka't dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios, at ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag.
 
8 Aking narinig ang panunungayaw ng Moab, at ang pagapi ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan, at nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan.
 
9 Buhay nga ako, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra, pag-aari na mga dawag, at lubak na asin, at isang pagkasira sa tanang panahon:sila'y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan, at sila'y mamanahin ng nalabi sa aking bansa.
 
10 Ito ang kanilang mapapala dahil sa kanilang pagpapalalo, sapagka't sila'y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo.
 
11 Ang Panginoo'y magiging kakilakilabot sa kanila; sapagka't kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa; at sasambahin siya ng mga tao; ng bawa't isa mula sa kanikaniyang dako, ng lahat na pulo ng mga bansa.
 
12 Kayong mga taga Etiopia naman, kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak.
 
13 At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at gigibain ang Asiria, at ang Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang.
 
14 At mga bakaha'y hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa:ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa'y sasapit sa mga pasukan; sapagka't kaniyang sinira ang mga yaring kahoy na cedro.
 
15 Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala, na nagsasabi sa sarili, Ako nga, at walang iba liban sa akin:ano't siya'y naging sira, naging dakong higaan para sa mga hayop! lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot, at ikukumpas ang kaniyang kamay.
 
 

  [ Nakaraan ] 1 | | 3 | [ Susunod ]