Bible-Server.org  
 
 
Praise the Lord, all ye nations      
Psalms 117:1       
 
Hanapin        Katulad
 AT Maghanap sa

Home Page
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Mga Hukom
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga-Roma
1 Mga Taga-Corinto
2 Mga Taga-Corinto
Mga Taga-Galacia
Mga Taga-Efeso
Mga Taga-Filipos
Mga Taga-Colosas
1 Mga Taga-Tesalonica
2 Mga Taga-Tesalonica
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
 
 

 
 
translate into
Mga Awit Kapitulo77
 
1 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios; sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
 
2 Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
 
3 Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
 
4 Iyong pinupuyat ang mga mata ko:ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
 
5 Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon.
 
6 Aking inaalaala ang awit ko sa gabi:sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
 
7 Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa?
 
8 Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako?
 
9 Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
 
10 At aking sinabi, Ito ang sakit ko; nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
 
11 Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
 
12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
 
13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario:sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
 
14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
 
15 Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah)
 
16 Nakita ka ng tubig, Oh Dios; nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
 
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig; ang langit ay humugong:ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos.
 
18 Ang tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan:ang lupa ay nayanig at umuga.
 
19 Ang daan mo'y nasa dagat, at ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig, at ang bakas mo'y hindi nakilala.
 
20 Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan, sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
 
 

  [ Nakaraan ] 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 | 37 | 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 | 47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 | 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 | 61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 | 68 | 69 | 70 | 71 | 72 | 73 | 74 | 75 | 76 | 77 | 78 | 79 | 80 | 81 | 82 | 83 | 84 | 85 | 86 | 87 | 88 | 89 | 90 | 91 | 92 | 93 | 94 | 95 | 96 | 97 | 98 | 99 | 100 | 101 | 102 | 103 | 104 | 105 | 106 | 107 | 108 | 109 | 110 | 111 | 112 | 113 | 114 | 115 | 116 | 117 | 118 | 119 | 120 | 121 | 122 | 123 | 124 | 125 | 126 | 127 | 128 | 129 | 130 | 131 | 132 | 133 | 134 | 135 | 136 | 137 | 138 | 139 | 140 | 141 | 142 | 143 | 144 | 145 | 146 | 147 | 148 | 149 | 150 | [ Susunod ]