Bible-Server.org  
 
 
Praise the Lord, all ye nations      
Psalms 117:1       
 
Hanapin        Katulad
 AT Maghanap sa

Home Page
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Mga Hukom
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga-Roma
1 Mga Taga-Corinto
2 Mga Taga-Corinto
Mga Taga-Galacia
Mga Taga-Efeso
Mga Taga-Filipos
Mga Taga-Colosas
1 Mga Taga-Tesalonica
2 Mga Taga-Tesalonica
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
 
 

 
 
translate into
Mga Awit Kapitulo118
 
1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
 
2 Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
 
3 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
 
4 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
 
5 Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako.
 
6 Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot:anong magagawa ng tao sa akin?
 
7 Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
 
8 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
 
9 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
 
10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
 
11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
 
12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan:sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag:sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
 
13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal:nguni't tulungan ako ng Panginoon.
 
14 Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
 
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
 
16 Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
 
17 Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
 
18 Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
 
19 Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
 
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid.
 
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan.
 
22 Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.
 
23 Ito ang gawa ng Panginoon:kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
 
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
 
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
 
26 Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
 
27 Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana.
 
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
 
29 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
 
 

  [ Nakaraan ] 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 | 37 | 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 | 47 | 48 | 49 | 50 | 51 | 52 | 53 | 54 | 55 | 56 | 57 | 58 | 59 | 60 | 61 | 62 | 63 | 64 | 65 | 66 | 67 | 68 | 69 | 70 | 71 | 72 | 73 | 74 | 75 | 76 | 77 | 78 | 79 | 80 | 81 | 82 | 83 | 84 | 85 | 86 | 87 | 88 | 89 | 90 | 91 | 92 | 93 | 94 | 95 | 96 | 97 | 98 | 99 | 100 | 101 | 102 | 103 | 104 | 105 | 106 | 107 | 108 | 109 | 110 | 111 | 112 | 113 | 114 | 115 | 116 | 117 | 118 | 119 | 120 | 121 | 122 | 123 | 124 | 125 | 126 | 127 | 128 | 129 | 130 | 131 | 132 | 133 | 134 | 135 | 136 | 137 | 138 | 139 | 140 | 141 | 142 | 143 | 144 | 145 | 146 | 147 | 148 | 149 | 150 | [ Susunod ]