Bible-Server.org  
 
 
Praise the Lord, all ye nations      
Psalms 117:1       
 
Hanapin        Katulad
 AT Maghanap sa

Home Page
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Mga Hukom
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga-Roma
1 Mga Taga-Corinto
2 Mga Taga-Corinto
Mga Taga-Galacia
Mga Taga-Efeso
Mga Taga-Filipos
Mga Taga-Colosas
1 Mga Taga-Tesalonica
2 Mga Taga-Tesalonica
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
 
 

 
 
translate into
Genesis Kapitulo12
 
1 Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo:
 
2 At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:
 
3 At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo:at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.
 
4 Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya:at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran.
 
5 Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa, at si Lot na anak ng kaniyang kapatid, at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan; at dumating sa lupain ng Canaan.
 
6 At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, hanggang sa punong encina ng More. At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo,
 
7 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito:at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.
 
8 At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai:at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon.
 
9 At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan.
 
10 At nagkagutom sa lupaing yaon:at bumaba si Abram na nasok sa Egipto, upang manirahan doon; sapagka't mahigpit ang kagutom sa lupain.
 
11 At nangyari, nang siya'y malapit nang papasok sa Egipto, ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa, Narito, ngayon, talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin:
 
12 At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio, ay kanilang sasabihin, Ito'y kaniyang asawa; at ako'y kanilang papatayin, datapuwa't kanilang ililigtas kang buhay.
 
13 Isinasamo ko sa iyo, na sabihin mong ikaw ay aking kapatid, upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang kaluluwa ko'y mabuhay dahil sa iyo.
 
14 At nangyari, nang pumasok si Abram sa Egipto, nakita ng mga Egipcio, na ang babae ay napakaganda.
 
15 At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon, at kanilang pinuri siya kay Faraon:at dinala ang babae sa bahay ni Faraon.
 
16 At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya:at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo,
 
17 At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan, ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram.
 
18 At tinawag ni Faraon si Abram, at sinabi, Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya'y iyong asawa?
 
19 Bakit sinabi mong siya'y aking kapatid? na ano pa't siya'y aking kinuha upang maging asawa:ngayon nga'y nariyan ang iyong asawa; siya'y kunin mo at yumaon ka.
 
20 At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya:at siya'y kanilang inihatid sa daan, at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang pag-aari.
 
 

  [ Nakaraan ] 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 | 37 | 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 | 47 | 48 | 49 | 50 | [ Susunod ]