Bible-Server.org  
 
 
Praise the Lord, all ye nations      
Psalms 117:1       
 
Hanapin        Katulad
 AT Maghanap sa

Home Page
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Mga Hukom
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga-Roma
1 Mga Taga-Corinto
2 Mga Taga-Corinto
Mga Taga-Galacia
Mga Taga-Efeso
Mga Taga-Filipos
Mga Taga-Colosas
1 Mga Taga-Tesalonica
2 Mga Taga-Tesalonica
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
 
 

 
 
translate into
Ezekiel Kapitulo19
 
1 Bukod dito'y magbadya ka ng isang taghoy na ukol sa mga prinsipe sa Israel.
 
2 At iyong sabihin, naging ano baga ang iyong ina? Isang leona:siya'y humiga sa gitna ng mga leon, sa gitna ng mga batang leon, pinakain niya ang kaniyang mga anak.
 
3 At pinalaki niya ang isa sa kaniyang mga anak:yao'y naging isang batang leon, at yao'y natuto na manghuli at lumamon ng mga tao.
 
4 Narinig naman yaon ng mga bansa; yao'y nahuli sa kanilang hukay; at dinala nila yaon na natatanikalaan sa lupain ng Egipto.
 
5 Nang makita nga niya na siya'y naghintay, at ang kaniyang pagasa ay nawala, kumuha nga siya ng iba sa kaniyang mga anak, at ginawang batang leon.
 
6 At yao'y nagpanhik manaog sa gitna ng mga leon, yao'y naging batang leon; at yao'y natuto na manghuli, at lumamon ng mga tao.
 
7 At naalaman niya ang kanilang mga palacio, at sinira ang kanilang mga bayan; at ang lupain ay nagiba, at ang lahat na nangandoon, dahil sa hugong ng kaniyang angal.
 
8 Nang magkagayo'y nagsilagay ang mga bansa laban sa kaniya sa bawa't dako na mula sa mga lalawigan; at ipinaglagay nila siya ng panilo; nahuli siya sa kanilang hukay.
 
9 At may tanikalang inilagay siya nila sa isang kulungan, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia; ipinasok nila siya sa katibayan, upang ang kaniyang tinig ay huwag nang marinig sa mga bundok ng Israel.
 
10 Ang inyong ina ay parang puno ng ubas sa iyong dugo, na natanim sa tabi ng tubig:siya'y mabunga at puno ng mga sanga, dahil sa maraming tubig.
 
11 At siya'y nagkaroon ng mga matibay na tutungkurin na magagawang mga cetro nila na nagpupuno, at ang kanilang taas ay nataas sa mga masinsing sanga, at nangakita sa kanilang taas dahil sa karamihan ng kanilang mga sanga.
 
12 Nguni't siya'y nabunot sa pag-aalab ng loob, siya'y nahagis sa lupa, at tinuyo ng hanging silanganan ang bunga niya:ang kaniyang mga matibay na tutungkurin ay nangabali at nagsidupok; pinagsupok sa apoy.
 
13 At ngayo'y natanim siya sa ilang, sa isang tuyo at uhaw na lupain.
 
14 At lumabas ang apoy sa mga tutungkurin ng kaniyang mga sanga, sinupok ang kaniyang bunga, na anopa't nawalan ng matibay na tutungkurin na magiging cetro upang ipagpuno. Ito ay panaghoy, at magiging pinakapanaghoy.
 
 

  [ Nakaraan ] 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 | 36 | 37 | 38 | 39 | 40 | 41 | 42 | 43 | 44 | 45 | 46 | 47 | 48 | [ Susunod ]