|
Mga Awit Kapitulo5 1 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay. 2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka't sa iyo'y dumadalangin ako. 3 Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako. 4 Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:ang masama ay hindi tatahang kasama mo. 5 Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan. 6 Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan:kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya, 7 Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo. 8 Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko. 9 Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila. 10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios; ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang; Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo, 11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan. 12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag.
|
|