|
Mga Awit Kapitulo128 1 Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. 2 Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. 3 Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay:ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. 4 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon. 5 Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay. 6 Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel.
|
|