Bible-Server.org  
 
 
Praise the Lord, all ye nations      
Psalms 117:1       
 
Hanapin        Katulad
 AT Maghanap sa

Home Page
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Mga Hukom
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga-Roma
1 Mga Taga-Corinto
2 Mga Taga-Corinto
Mga Taga-Galacia
Mga Taga-Efeso
Mga Taga-Filipos
Mga Taga-Colosas
1 Mga Taga-Tesalonica
2 Mga Taga-Tesalonica
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
 
 

 
 
translate into
Mga Kawikaan Kapitulo14
 
1 Bawa't pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay:nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay.
 
2 Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon:nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya.
 
3 Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan:nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.
 
4 Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis:nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka.
 
5 Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan:nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan.
 
6 Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan:nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.
 
7 Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:
 
8 Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad:nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan.
 
9 Ang mangmang ay tumutuya sa sala:nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban.
 
10 Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan; at ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan.
 
11 Ang bahay ng masama ay mababagsak:nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad.
 
12 May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
 
13 Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.
 
14 Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad:at masisiyahang loob ang taong mabuti.
 
15 Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita:nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.
 
16 Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan:nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa.
 
17 Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan:at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.
 
18 Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan:nguni't ang mabait ay puputungan ng kaalaman.
 
19 Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti; at ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid.
 
20 Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa:nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan.
 
21 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala:nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.
 
22 Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan? Nguni't kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti.
 
23 Sa lahat ng gawain ay may pakinabang:nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan.
 
24 Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan:nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang.
 
25 Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao:nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya.
 
26 Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala:at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.
 
27 Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.
 
28 Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari:nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo.
 
29 Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa:nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.
 
30 Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan:nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.
 
31 Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya.
 
32 Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa:nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan.
 
33 Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa:nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.
 
34 Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa:nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan.
 
35 Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan:nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya.
 
 

  [ Nakaraan ] 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | [ Susunod ]