Bible-Server.org  
 
 
Praise the Lord, all ye nations      
Psalms 117:1       
 
Hanapin        Katulad
 AT Maghanap sa

Home Page
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Mga Hukom
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga-Roma
1 Mga Taga-Corinto
2 Mga Taga-Corinto
Mga Taga-Galacia
Mga Taga-Efeso
Mga Taga-Filipos
Mga Taga-Colosas
1 Mga Taga-Tesalonica
2 Mga Taga-Tesalonica
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
 
 

 
 
translate into
1 Mga Cronica Kapitulo14
 
1 At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng mga sugo kay David, at nagpadala ng mga puno ng sedro, at mga mananabas ng bato, at mga anluwagi, upang ipagtayo siya ng bahay.
 
2 At nahalata ni David na itinatag siyang hari ng Panginoon sa Israel; sapagka't ang kaniyang kaharian ay itinaas ng mataas, dahil sa kaniyang bayang Israel.
 
3 At si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem:at si David ay nagkaanak pa ng mga lalake at mga babae.
 
4 At ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem:si Smua, at si Sobab, si Nathan, at si Salomon.
 
5 At si Ibhar, at si Elisua, at si Elphelet;
 
6 At si Noga, at si Nepheg, at si Japhias;
 
7 At si Elisama, at si Beeliada, at si Eliphelet.
 
8 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay pinahiran ng langis na maging hari sa buong Israel, ay nagsiahon ang lahat ng Filisteo upang hanapin si David:at nabalitaan ni David, at nilabas sila.
 
9 Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nanganamsam sa libis ng Raphaim.
 
10 At si David ay sumangguni sa Dios, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? at iyo bang ibibigay sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka:sapagka't aking ibibigay sila sa iyong kamay.
 
11 Sa gayo'y nagsiahon sila sa Baal-perasim, at sinaktan sila ni David doon; at sinabi ni David, Nilansag ng Dios ang aking mga kaaway na gaya ng baha ng tubig. Kaya't kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim.
 
12 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga dios; at nagutos si David, at sinunog sa apoy ang mga yaon.
 
13 At nanganamsam pa uli ang mga Filisteo sa libis.
 
14 At si David ay sumangguni uli sa Dios; at sinabi ng Dios sa kaniya, Huwag kang aahong kasunod nila; lihisan mo sila, at pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga puno ng morales.
 
15 At mangyayari, na pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay lalabas sa pakikipagbaka:sapagka't ang Dios ay yumaon sa unahan mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.
 
16 At ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kaniya ng Dios:at kanilang sinaktan ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gabaon hanggang sa Gezer.
 
17 At ang kabantugan ni David ay lumaganap sa lahat ng lupain; at sinidlan ng Panginoon ng takot sa kaniya ang lahat na bansa.
 
 

  [ Nakaraan ] 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | [ Susunod ]